Muli na namang nagkamit ng parangal ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda bilang Phenomenal Artist of 2015 sa nakaraang MOR Pinoy Music Awards 2016 na ginanap sa Kia Theatre noong nakaraang Linggo, Agosto 7. Dahil dyan, unkabogable rin ang kanyang pasasalamat sa mga bumubuo ng MOR Pinoy Music Awards at sa lahat ng mga sumusuporta at tumatangkilik sa kanyang musika. Panoorin:

Samantala, pinarangalan naman bilang Best Talk Show Host si Vice Ganda sa katatapos lamang na Golden Laurel Lycean’s Choice Media Awards na ginanap sa Lyceum of the Philippines University of Batangas noong July 21, 2016. Gayundin, kinilala rin bilang Best Talk Show ang kanyang Sunday late-night show na Gandang Gabi Vice. Heto ang kanyang pasasalamat:

Congratulations Vice Ganda!