August 5, 2015

Vice Ganda in Araneta Coliseum for #KeriBeks

Vice Ganda in Araneta Coliseum for #KeriBeks


The Phenomenal Box-Office Star, Vice Ganda, attended and performed in the biggest and grandest gay event in the history of the Philippines, #KeriBeks. #KeriBeks is the first national gay congress which was held in the Araneta Coliseum last night, August 4, 2015. Aside from Vice Ganda, there were also a lot of celebrities who performed and supported the event such as Anne Curtis, Maricel Soriano, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Elmo Magalona and a lot more.

Vice Ganda sang her own rendition of Pink’s Perfect and, a mash-up of Cyndi Lauper’s True Colors and Rihanna’s Diamonds – songs which are highly fitting for the event. After his performance, Vice Ganda delivered a heartfelt and deep-rooted message to the attendees in Araneta, “Parinig ng ingay ng mga bakla! Ingay na may gustong ipabatid! Ito yung nakakaiyak sa tuwa.. I am just so overwhelmed to see everyone tonight. Maraming maraming salamat sa dinami-dami ng maaari niyong gawin sa oras na ito, sa araw na ito, sa gabi na ito, pinili ninyo na magkitakita tayong lahat. Sa dinami-dami ng events na napuntahan ko. Sa dinami-dami ng concert na nadaluhan ko, sa dinami-dami ng okasyon na pinuntahan ko sa Araneta Coliseum, ito lang yung naramdaman ko na para akong um-attend ng family reunion..”

“Wag naman ikasasama ng loob ng nanay ko, pero mas nararamdaman ko ang pamilya sa oras na ito. Dahil itong mga mukhang ito, ito ang mga kapamilyang kaisa ko. Ito ang mga totoong kakulay ng dugo ko. Ito ang sinasalamin at sumasalamin sa akin. At ang mga buhay niyo ang isinasabuhay ko. Dahil kayo ay ako, ako ay kayo. Maraming maraming salamat po. Nakakatuwa lang na pwede pala tayong magsama-sama ng lahat ng sabay-sabay ng hindi tayo naglalaban laban sa beauty contests, ng hindi tayo nagpapagandahan, ng hindi tayo nagpapaseksihan, diba?”

“Nakakatuwa. Napakahalaga ng oras na ito para sa ating lahat dahil ito ang oras na walang saysay ang salitang diskriminasyon. Dahil sa mga oras na ito, lahat tayo, walang nararamdamang takot, sa oras na ito lahat tayo ay walang nararamdamang hiya. Sa oras na ito, lahat tayo ay bida. Dahil ito ang moment ng mga bading. At sabay sabay nating isisnisigaw, ‘Pak! Pak! Pak! Tuloy ang modelling!'”

Vice Ganda delivering a message in Araneta Coliseum

Vice Ganda delivering a message in Araneta Coliseum

“Pero nakakatuwa talaga ang mga pagkakataong ito. Dahil sa mga ganitong pagkakataong ito na mababalitaan ng mga tao kung gaano tayo kaingay, kalakas, karami. Tingnan ko lang kung meron pang mang-api sa atin. Diba? The success of this event is just so overwhelming.”

He further went on with his message, delivering more empowering statements. “This is so now. You are so now. We are so now. The success of this event has a very strong message. That we have a voice. You and I have a voice. And to hear it is their only choice. There are so many things that we can do. If the world only knows our value. This is the time that we do it. This is the chance that we work it. This is the moment that we prove it. This is the now that we win it.

“Ito na ang simula ng dire-diretsong pagpaparamdam natin ng presensya. At dire-diretsong tagumpay nating lahat. Sa inyong lahat na nawawalan ng pag-asa, wag po kayong matakot. Kinaya ko. Kaya kung kinaya ko, kakayanin niyong lahat. Dahil ako ay walang pinagkaiba sa inyo. Iisa lang tayo ng tugtog na sinasayawan, iisa lang tayo ng kantang inaawit, iisa lang tayo ng kalsadang kinekembotan. IIsa lang tayong lahat. Kaya kung kinaya ko, kakayanin niyo rin. Magsuportahan lang tayong lahat. Mabubuhay talaga ako, hindi ko ikamamatay itong araw na ito. Mabubuhay tayong lahat ng matagal diba? Kaya this moment, I would like to pay respect to all of you. Salute to all of you, brave people who have the courage to be so true to yourself, salute to all of you who have the courage to show the whole world your own true colors, salute to all of you beautiful people of the earth…all of us are worthy ”

“Lahat tayo ay magkakapatid..magkakaiba man ng clan sa beauty contests, magkakaiba man ng kulay o lugar na pinanggalingan. Lahat tayo ay magkakapatid..at mula sa akin, para po sa inyo, ang taos puso kong pasasalamat sa pagsuporta niyo sa akin. At hinahayaan niyo irepresenta ko kayong lahat sa lahat ng mga bagay na aking ginagawa. Maraming maraming salamat po. Mahal ko po kayong lahat. At ipinapangako ko, lahat po ng ginagawa ko at gusto kong pagtagumpayan ay hindi lamang para sa pansarili kong tagumpay kundi para sa tagumpay ng lahat na nabubuhay na bakla lalong lalo na dito sa Pilipinas.”