June 11, 2015

Maalala noong March 29, 2015 sa Gandang Gabi Vice The #HugotPaMore Birthday Special Part 1 na nag-imbita si Vice Ganda ng mga mamamayan nating masisipag na nagtra-trabaho (working force). Sila ay pinapunta at pinapanood sa Music Museum upang personal na pasayahin at patawanin. Ilan dito ay ang mga teachers, nurses, traffic enforcers, street aide, at iba pa.

Isa naman sa mga naimbitang MMDA Street Aide/Sweeper ay si Maria Elizabeth Muyano o si Nanay Elizabeth. Personal siyang in-interview niVice Ganda at napansin ng ating Unkabogable Birthday Celebrant na hindi kumpleto ang kanyang ngipin. Kaya, agad-agad na nag-offer si Vice na paggawan siya ng ‘pustiso’.

Nanay Elizabeth, Vice Ganda

Nanay Elizabeth, Vice Ganda

Matapos ang halos isang buwan ng pagbisita ni Nanay Elizabeth sa dentista na si Dr. Melvin M. Dionisio, D.M.D. ay nagawan na nga siya ng pustiso.

Nanay Elizabeth (Before)

Nanay Elizabeth (Before)

 

Nanay Elizabeth (After)

Nanay Elizabeth (After)

Si Nanay Elizabeth ay singkwenta anyos na at may asawa at apat na anak. Nakwento ni nanay na yung panganay niya ay nag-abroad kamakailan lang habang ang asawa naman niya ay isang pintor na ‘seasonal’ ang trabaho. Sapat lang daw ang kinikita nila sa araw-araw.

Matagal na rin siyang MMDA Street Aide. Halos 7 taon na siyang nagtra-trabaho sa MMDA mula noong nagsimula siya ng taong 2008. Medyo mahirap din ang trabaho ni nanay Elizabeth na nagtra-trabaho ng bilad sa araw sa loob ng 5 araw sa isang linggo at, 8 oras sa isang araw (6 am to 2 pm). Dagdag pa ni nanay Elizabeth na bawat street sweeper ay may sakop na 1,000 kilometrong lilinisin.

Naibahagi pa niya na graduate siya ng kolehiyo sa kursong ‘Banking and Finance’. Marami na rin siyang naging trabaho bago maging MMDA Street Aide. “Nag-start ako sa Q-Mart, payroll clerk..tapos sa mga gamot, accounting clerk..tapos napunta ako sa Buendia sa mga satellite at antenna (kumpanya). Naging NSO Coordinator din pala ako, yung sa mga bahay bahay. Tapos nun, nahinto ako ng matagal. Mga magmula 1995 hanggang 2008.”

“Tapos, nag-apply-an yung mga kapitbahay ko (bilang MMDA Street Aide). Eh sayang naman kaysa tatambay ka, wala kang kikitain. Kaya nag-apply na rin ako..”

Nabanggit niya ang pagiging ‘swerte’ sa pagpunta sa Music Museum noong GGV birthday special para kay Vice “Ang swerte ko! Nakapanood ako first time kay Vice tapos in-interview pa niya ako. Akala ko nga suplado siya eh, hindi naman pala. Ang bait bait niya. First time ko din makakita ng iba pang artista..sina Kyla, Jay R..”

“Birthday niya pero siya yung nagbigay ng regalo sa’min. Yung cellphone na binigay sa’min doon (sa Music Museum), pinag-agawan na ng mga anak ko. Offer niya naman yung pustiso. Sabi niya. gusto mo magka-ipin? Syempre no! Tuwang tuwa nga ako eh, libre na nga yun eh.”

“Yung mga kapitbahay ko naman, nakita ako sa tv tapos tinanong kung magkakaroon daw ako ng ngipin. Sabi ko, totoo naman. Kasi binubunutan na ako, dinadala na ako sa dentist..”

2015.06.08 Blog - Nanay Elizabeth 2

Nang tanungin naman si Dr. Melvin, ang dentista na gumawa ng pustiso ni Nanay Elizabeth, kung ano ang pinagdaanan sa paggawa ng pustiso para kay nanay, naikwento niya na ma-proseso ito. “Complete denture fabrication.. Kasi edentulous (lacking teeth) siya. May mga ngipin siya na present pero hindi na ganun kagandang tingnan. Binunot ko yun para magawan siya ng maayos na denture tsaka para mas maganda yung aesthetic side nung denture na gagawin. Kaya ayun nagbunot ako ng 4 sa taas tapos dalawa sa baba..”

“Marami ring ginawa..cleaning, pasta, sukat. Tapos we followed the traditional way of making a denture. Kasi minsan yung iba, susukatan lang tapos huhulaan na lang (yung sukat). What I did was we followed what yung usually na ginagawa sa school..yung long procedure..yung gagawan siya ng parang mock-up tapos doon itatanim yung ngipin..”

2015.06.08 Blog - Nanay Elizabeth 3

 

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ni Nanay Elizabeth kina Vice Ganda at Dr. Melvin matapos siyang malagyan ng pustiso. Naghatid din siya ng mensahe kay Vice Ganda:

 

Noong June 7, 2015 Gandang Gabi Vice episode naman, inimbita ni Vice Ganda si Nanay Beth sa GGV studio at personal na kinamusta. Tanong pa nga ng Unkabogable Host “Mas exciting ba ang buhay niyo ni mister ngayong..lalo kang gumanda?” Na mabilis namang sinagot ni Nanay Beth ng “Opo!”

Vice Ganda hugged Nanay Elizabeth in It's Showtime

Vice Ganda hugged Nanay Elizabeth in It’s Showtime