Umaapaw sa mga masasayang kwentuhan at kantahan ang October 11, 2015 #GGVLaughtrip episode. Siksik kasi sa mga singers ang Sunday Night Good Vibes na sinimulan ng Harana Boys na sina Michael Pangilinan, Marlo Mortel, Bryan Santos at Joseph Marco, sinundan ng The Voice Kids na sina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo at, tinapos sa masayang kwentuhan at revelations ng The Prenup male lead na si Sam Milby.

May paunang ‘kilig treat’ sa pagkanta ng Harana Boys dahil ‘hinarana’ nila ang GGV audience sa pagkanta ng ‘Cheerleader’ at syempre syempre syempre..pati ang nag-iisang Unkabogable at Phenomenal Host. Panoorin kung paano pinakilig ng Harana Boys si Vice:

Kung nabitin kayo sa kantahan with the Harana Boys. Unli naman ang kantahan kasama ang mga ‘binata na’ ng The Voice Kids na sina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo. Nabanggit nga ni ni Vice na gusto pa niya sana na mas ‘bagets’ pa sila:

Napag-usapan na rin nila ang pagbida ni JK sa Pangako Sa’Yo habang tinanong din naman si Darren kung saang teleserye niya gusto bumida. Nabanggit niya ang James Reid-Nadine Lustre-teleserye na ‘On The Wings of Love’ at syempre hindi papalampasin ang pagpapa-sample ng mga bagets. Pakinggan ang remarkable renditions nila!

At kung akala niyo ay dyan nagtatapos ang pagpapahanga nina Darren at JK. Nagpakita pa si Darren ng talento niya sa pag-mash-up. Siguradong mabi-bilib at mapapa-nganga kayo dito:

Kung nabusog naman kayo sa kantahan, may pa-dessert din naman with Sam Milby. Pero ‘revelations’ ang mga ito gaya ng ‘showbiz crush’, lovelife, career, ‘greatest love’, Anne Curtis…



“Happy ako para sa kanila.” – Sam Milby


“Sama ka sa’kin. Magiging happy ka.” – Vice Ganda